top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kapag korup na kandidato ang nanalo, bobo-tante ang talo

BULGAR
May 2, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 2, 2022


KAPAG ANG NAIBOTO AY MGA 'BUWAYANG' PULITIKO, ANG TALO R'YAN TAUMBAYAN – Ilang araw na lang ay eleksyon na.


'Ika nga, may pagkakataon pa para kilatasin ang pagkatao ng mga kumakandidato sa national at local positions.


Kaya't panawagan natin sa ating mga kababayan na maging matalino sa pagboto, na huwag nang bigyan ng pagkakataon ang mga pulitikong may bahid ng corruption na magkaroon uli ng posisyon sa pamahalaan, kasi sa oras na magkamali, at ang naiboto ay "buwayang" pulitiko at panalo sa pagkamal ng salapi ng bayan ang kurakot na politicians, at siyempre ang talo ay ang bobo-tanteng bumoto sa corrupt, period!


◘◘◘


FAKE NEWS LANG PALA NA NAKASUPORTA KAY BBM SI APL.DE.AP – Itinanggi ng sikat na Filipino-American rapper Apl.de.ap ang kumalat sa social media na suportado niya ang kandidatura ni presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos dahil ayon sa kanya ay ngayong halalan ay wala raw siyang balak mag-endorso ng pulitiko.


Hay naku, ang dami pa namang naniwala na suportado ni Apl.de.ap ang kandidatura ni BBM, 'yun pala ay fake news lang ito, saklap!


◘◘◘


MGA NANAKOT KAY KERWIN ESPINOSA ANG DAPAT KASUHAN – Nanawagan ang CBCP (Catholic Bishop Conference of the Philippines) sa DOJ (Dept. of Justice) na huwag sampahan ng kasong perjury si drug lord Kerwin Espinosa tungkol sa pagbawi nito ng testimonya nang sabihing may mga tumakot lang sa kanya kaya isinangkot niya sa sindikato ng droga si detenidong Sen. Leila de Lima.


Ayon sa CBCP, ang mga nanakot kay Espinosa para isangkot sa droga si De Lima, ang dapat kasuhan ng DOJ, korek!


◘◘◘


BAKA ANG MGA BOTANTENG NAKATIRA SA MGA LUGAR NA ILA-LOCKDOWN HINDI NA MAKABOTO – Tatlong barangay sa Maynila ang isinailalim sa lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-COVID-19 sa mga lugar na ito.


Nakupo, huwag naman sanang mangyari na mas dumami pa ang mga barangay na isailalim sa lockdown kasi kapag nangyari ito, ay tiyak na hindi makakaboto ang mga botante na nakatira sa mga lugar na ila-lockdown, saklap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page