• BULGAR

Kandidata sa 2020 Miss Universe Philippines, atras kahit COVID-19 survivor na

ni Lolet Abania | October 15, 2020




Ipinahayag ng isa sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines na si Maria Isabela Galeria ng Sorsogon ang pag-atras niya sa pageant kahit pa nakarekober na ito sa COVID-19.


"As you may all know, I tested positive for COVID19. I started to develop signs and symptoms on September 27, 2020, starting with nasal congestion and loss of sense of taste/smell," nai-post sa IG ni Isabela.


Ayon kay Isabela, nakakaramdam siya paminsan-minsan na may mabigat sa kanyang dibdib. "Fortunately, it was bearable and didn't progress to a more severe level of DOB (Difficulty of Breathing)," sabi ni Isabela.


Bukod sa mga sintomas na naranasan, may lumabas sa kanyang katawan na rashes na ayon kay Isabela ay napakakati at nanuyot din ang kanyang balat.


"I woke up last October 3 with red, itchy, and teary eyes. I was under a handful of medications for more than two weeks to manage my symptoms," post ng kandidata.


"Following the 14-day quarantine, I was supposed to be released on October 8. As per protocol, I needed to be asymptomatic for three days before discharge. Unfortunately, I was still manifesting some symptoms," dagdag niya.


Gayunman, noong October 11, idineklara si Isabela ng Department of Health (DOH) at kanyang ama bilang mga COVID-19 survivors. Subali’t sa tingin ni Isabela, kahit na nakarekober na siya sa Coronavirus, wala pa sa kondisyon ang kanyang katawan at hindi handang sumabak sa kompetisyon.


"I'm forever grateful to each of you who invested so much time and effort in helping me through this journey; however, even with a strong will to fight, my body is not well conditioned yet," pahayag ng dalaga.



"I still feel tired, and I don't think my body will allow me to participate in the activities of Miss Universe Philippines," sabi pa niya.

33 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.