Kampanya ni Trump, nakalikom ng $138.7M noong Hulyo
- BULGAR
- Aug 2, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Overseas News | August 2, 2024

Iniulat nitong Huwebes ng presidential campaign ni Donald Trump, na nakalikom ito ng $138.7 milyon noong Hulyo, na nagtapos sa buwan nang may kabuuang $327. Nangyari ito sa buwan kung kailan pinagtangkaan siyang patayin.
Mas mataas ng 24% ang pondo para sa Hulyo kaysa sa $111.8 milyon na nalikom ng kampanya noong Hunyo.
Inaasahan namang magpapataas ng mga kontribusyon sa kampanya ang pagtatangkang pagpatay kay Trump noong Hulyo 13 sa isang rally sa Butler, Pennsylvania.
Sinabi ng kampanya ni Trump noong nakaraang buwan na nakalikom sila ng $331 milyon sa ikalawang quarter, na lumampas sa $264 milyon na nalikom ng kampanya ni dating Democratic candidate at U.S. President Joe Biden sa parehong panahon.
Matatandaang umatras sa presidential bid si Biden para sa reelection noong Hulyo 21 at sinuportahan na lamang ang Bise Presidente na si Kamala Harris para sa halalan sa Nobyembre 5 laban kay Trump.








Comments