top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

Kampanya laban sa lasing na driver, huwag ningas-kugon

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | October 30, 2026



Editoryal, Editorial


Simula Nobyembre 15, paiigtingin ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng parusa laban sa mga motoristang nagmamaneho nang lasing, kabilang ang pagbawi ng lisensya.


Tama lamang ang ganitong hakbang dahil hindi simpleng paglabag ang drunk driving. Isang maling desisyon lamang ay maaaring kumitil ng buhay ng mga inosenteng motorista, pasahero at pedestrian.


Hindi dapat gawing dahilan ang kasiyahan o pag-inom upang isugal ang kaligtasan ng iba. Ang sinumang humahawak ng manibela ay may responsibilidad na tiyaking ligtas ang kanyang pagmamaneho.


Gayunman, kailangang maging patas at mahigpit ang pagpapatupad ng batas. Dapat may sapat na ebidensiya at due process bago bawiin ang lisensiya ng isang motorista.

Higit sa lahat, hindi dapat ningas-kugon ang kampanya laban sa drunk driving.


Kailangang tuluy-tuloy ang operasyon upang tunay na makaiwas sa mga aksidente.

Ang lisensya ay pribilehiyo, hindi karapatan para ilagay sa panganib ang kapwa. Mas mabuting mawalan ng lisensya ang lasing na driver kaysa may inosenteng mawalan ng buhay. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page