Horoscope | Oktubre 30, 2026 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 30, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2026 (Biyernes): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Sa katunayan, unti-unti nang matutupad ang iyong mga pangarap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagkatapos ng mga pagsubok, makikita kang masayang-masaya at nagdiriwang dahil ang magiging kapalit ng mga pagsubok ay malalaking suwerte at tagumpay. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-9-16-19-25-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alagaan mo ang sinimulan mong negosyo. Makakaasa ka na lalaki ito, at sa huli, ikaw na ang aalagaan ng iyong negosyo. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-6-14-20-22-30-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-kaalaman ang makukuha mo mula sa mga nasasaksihan mong hindi pagkakaunawaan. Ikaw ang unang makakaunawa sa kanila, at dahil naging maunawain ka, sunud-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-3-11-24-28-34-36.
CANCER (June 21-July 22) - Sundan mo ang landas na tinahak ng iyong mga kaibigan upang ‘di ka mabigo. Gayunman, puwede ka ring humingi ng payo mula sa kanila. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-4-10-21-23-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi sa pagandahan ng porma nakasalalay ang pag-asenso. Sa katunayan, ang simpleng pamumuhay ay isa sa mga sikreto ng pagyaman. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-8-18-22-27-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tipirin mo ang sarili mo para sa pangarap mo. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-5-13-16-25-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itala mo ang bawat karanasan mo sa mga araw na ito dahil maaari mo itong magamit upang malaman ang takbo ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe at gabay para sa iyo. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-7-12-19-26-32-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sapat nang makinig ka sa mga hinaing ng iyong kaibigan. Kakaibang sigla ang nadarama ng isang tao kapag nailalabas niya ang kanyang hinaing. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-2-11-14-29-30-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka nahihirapan, iyon ang piliin mo upang mas makilala mo ang iyong sarili at malaman kung gaano ka katibay at katatag. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-1-13-18-20-26-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang pakiramdam mo sa motibo ng bago mong kakilala, iyon na iyon. Ibig sabihin, hindi ka dadayain ng sarili mong kutob. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-8-15-22-29-31-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Inuutusan ka ng langit na magpokus sa isang bagay upang dumapo sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay–orange. Tips sa lotto-4-14-29-30-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Sa katunayan, nakaabang na sa iyo ang magagandang kapalaran na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-9-12-20-26-39-42.



Comments