Kamandag ng ahas panlaban sa COVID-19, pinag-aaralan

ni Jasmin Joy Evangelista | September 2, 2021

Posible umanong maging susi ang isang makamandag na ahas para tuluyang labanan ang COVID-19.
Ayon sa Reuters, sinabing nagsasagawa ngayon ng pagsasaliksik ang mga dalubhasa sa Brazil tungkol sa kamandag ng jararacussu pit viper.
Batay daw kasi sa mga nauna nang pag-aaral, mayroong molecule sa kamandag nito ang pumipigil sa pagdami ng coronavirus nang hanggang 75 porsiyento sa cells ng unggoy.
"It's the first step in a long journey. The process is a very long one," ayon kay Professor Rafael Guido ng University of Sao Paulo, na may akda ng pag-aaral.
"We were able to see that the peptides in the venom not only inhibited the development of the virus in vitro, inside the cell, but we were also able to see here in the lab that it was able to inhibit one of the proteins that is very important for the virus' ability to multiply," dagdag niya.
Ayon kay Guido, ang peptide o chain of amino acids ay maaaring kopyahin sa laboratoryo kaya hindi na kailangang hulihin pa ang mga ahas.
Ngunit pangamba ni Giuseppe Puorto ng Butantan Institute's biological collection sa Sao Paulo at nagsasagawa ng pag-aaral sa mga reptile, baka magsimula umanong hanapin ng mga tao ang makamandag na ahas.
"We are afraid that people will go hunting for the snake all over Brazil, thinking it will save the world or themselves, their family. That's not the case. Is this an important discovery? Without a doubt it is. But chasing after the animal is not how this pandemic will be resolved," sabi ni Puorto.
Ang jararacussu pit viper ay isa umano sa mga pinakamalaking ahas sa Brazil na humahaba nang hanggang anim na talampakan.
Ayon sa State University of Sao Paulo, susuriin ng mga dalubhasa ang bisa ng magkakaibang doses ng molecule at aalamin kung mapipigilan nito ang virus na pumasok sa cells.
Umaasa silang masusubukan na kaagad ang ginagawang pagsusuri sa human cells pero hindi nagsabi kung kailan ito posibleng gawin.





Comments