Kamag-anak, kaibigan, kapitbahay… Warning: Mga chismosa puwedeng kasuhan
- BULGAR

- Jan 23, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | January 23, 2022

Dumulog sa isang programa sa telebisyon ang isang netizen kung ano ang puwede niyang gawin sa isang kamag-anak na nagbabanta sa kanyang buhay at laging nagpapakalat ng mga chismis tungkol sa kanya.
Ayon kay Atty. Zen Ferrer, puwedeng sampahan ng kasong grave threat ang isang tao na nagbabanta sa buhay ng biktima habang depende naman sa nilalaman ng chismis ang uri ng kaso na puwedeng isampa tulad ng unjust vexation.
"Kung araw-araw ka na lang tsini-chismis at kung anu-ano yung nadidinig mo sa iyong kapitbahay o kabarangay na nagiging reaksyon nila sa pagchismis nung [kamag-anak]...at naapektuhan na ang iyong pag-iisip at pang-araw araw na buhay, nababalisa na kayo dahil sa pinagsasabi ng ibang tao, puwede po ito ulit na unjust vexation [case]," paliwanag ni Ferrer.
Ayon pa sa abogado, kung ang chismis ay medyo grabe at naglalaman na may paninirang puri, puwede itong ireklamo ng oral defamation o slander.




Comments