top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kama raw ng BF ang paborito niya… JANINE, NADALA NA NI RAYVER SA BAHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 12, 2021





Kay Janine Gutierrez at sa kapatid nitong si Maxine unang ipinakita ni Rayver Cruz ang bagong bahay na nabili niya nitong last quarter ng 2020 at ngayong 2021 naman niya ito pinalagyan ng mga kagamitan.


Natagalan ang aktor bago nito nabili ang sariling bahay dahil nga noong buhay pa ang Mommy Beth Cruz nilang magkakapatid ay sila ang magkakasama sa bahay.


At ngayong nag-asawa na si Rodjun at may pamilya na rin ang Kuya Omar Ilustre ni Rayver, panahon na para magsarili siya. Ang kuya niya ang naiwan sa bahay ng mama nila.


“Oh, my God, it’s so nice!” tanging nasabi ni Janine pagpasok pa lang sa pintuan ng bahay ng nobyo.


Maging si Rayver ay hindi rin kaagad nakapagsalita, “Sa daldal kong ito, pero pagpasok ko sa loob, parang nahilo ako. Nahilo ako sa tuwa na parang ‘Ohhh, ano'ng nangyari? Nasaan ako?’ Parang ganu’n. Ang galing lang nu’ng mga pictures ng idol ko (Kobe Bryant) at si Mama. Nakakaiyak na nakakalungkot kasi gusto ko sana, nandito siya (mama niya) at nakita niya ito (bahay) at grabe ‘yun sa pagka-proud sa boys niya,” kuwento ng binata.


“Your dining table is so nice (pati mga upuan),” masayang sambit ni Janine.


“Puwede ba akong umupo?” saad ni Rayver.


“It’s your house," sabi naman ni Max.


Say ng aktor, “(Gusto ko) sa dining, hahaha! Ngayon lang ako nagkaroon ng dining area na ganito.”


Masayang bati ng aktres, “Congrats B (term of endearment).”


Ang entertainment room ang sunod na pinasok nina Rayver at tuwang-tuwa siya sa vintage chesterfield sofa na sakto sa gusto niya.


“Pagpasok ko, nagulat ako kasi may sungay (ulo ng usa). Hindi masyadong malaki ‘yung entertainment room, naisipan ko lang gawing TV room or tambayan,” paglalarawan ng aktor.


“It’s super nice, it’s cozy. Sabi nga ni Max, ‘I wanna hangout, I want to stay here na,’" kuwento ni Janine.


Nang ang kuwarto naman ang pinasok nila, “Oh, my God! Wow!”


Hinawakan ni Janine si Rayver sa braso, “It’s so nice, it’s like hotel. I think my favorite thing is the bed. Ang ganda ng bed and parang minsan, ina-underestimate mo ‘yung pagbili ng bed, parang simple lang, pero ang ganda-ganda ng bed mo (sabi kay Rayver) and ang ganda nu’ng plane ticket (inilagay sa frame – Cannes Festival).”


Sabi naman ni Rayver, “Alam mo ‘yung feeling na ayaw mo ng higaan or guluhin na parang mga isang buwan lang na ganu’n kasi gusto kong ipagyabang muna sa mga kaibigan mo, sa family mo. Na parang ‘Natutulog ka na ba diyan?’ Oo, natutulog na ako pero walang lukot pa.”


Ang designer ng bahay ng aktor ay ang Moss Design House nina Mr. B and Mrs. B.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page