Kalusugan ng tao, masusukat sa stress level kahit panay ang diet
- BULGAR

- Jan 26, 2021
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 26, 2021

‘Pag diyeta ang pag-uusapan, ika nga ng mga eksperto, “ You are what you eat.”
Hindi lamang anila ang pagdidiyeta sa pagkain ang pinakamahalagang isasaalang-alang kasama ng training regimen kundi maging ang personal na kalagayan, emosyonal at sikolohikal na aspeto. Sa maling pagdidiyeta umano ay maaaring mabawasan ng malaking porsiyento ng pagiging epektibo nito sa isang tao.
Nais mo mang palitan ang pagdidiyeta para makapagbawas ng timbang o simpleng madagdagan ang lakas, ang pinakamadaling paraan ay sagutin ang e-diet, para maging gabay na manatiling malusog ngayon at araw-araw! Ayon sa BMI Calculator Tip of the Day Expert Interaction Dining Out Diet Tools
Tips ngayon:
Lahat ng carbohydrates ay hindi pare-pareho! Ang complex carbohydrates ay “whole” foods; ito ang pinagkukunan ng lakas ng katawan!
Mag-enjoy sa whole grains, whole grain breads at cereals, mga prutas at gulay.
Fitness Tip:
Para sa mas epektibong ehersisyo, subukan ang interval training sa cardio machines. Karamihan sa makina ay may present interval program na para sa mas intensidad na panahon ng pagpapalakas.
Ang program ay tinatawag na fat burner o weight loss. Puwedeng palitan ng bilis, grade, o resistance level. Tiyakin na mananatili sa tamang antas ang puso.
Tingnan natin kung gaano karaming stress meron ka sa buhay. Ang sumusunod na babanggitin ay mula sa "Social Readjustment Rating Scale" ni Thomas Holmes & Richard Rahe, 1967. Markahan ang bawat sitwasyon kung ito ay sumasapit ngayon sa buhay at isumatutal ang mga maiipong puntos lalo na kung napapansing dahil sa mga babanggiting problema ay imbes na pumapayat ay lalong nadaragdagan ang timbang:
1. Pagkamatay ng asawa-100
2. Paghihiwalay - 60
3. Menopause - 60
4. Pakikipaghiwalay sa ka-live in - 60
5. Pagkakakulong -60
6. Pagkamatay ng ka-close na kaanak kumpara sa asawa- 60
7. Seryosong karamdaman o malaking injury sa aksidente- 45
8. Pag-aasawa at pag-uumpisa ng buhay na ito- 45
9. Nasibak sa trabaho- 45
10. Pagbabalikan ng mag-asawa o ng relasyon ng mag-syota- 40
11. Pagreretiro-40
12. Pagbabago sa kalusugan ng isang miyembro ng pamilya - 40
13. Pagtatrabaho ng higit sa 40 oras kada isang linggo - 35
14. Pagbubuntis o dahilan ng pagbubuntis - 35
15. Hirap makipag-sex -35
16. Pagkakaroon ng ampon sa pamilya -35
17. negosyo at pagbabago sa papel ng trabaho -35
18. Pagbabago sa estadong pinansiyal -35
19. Pagkamatay ng close friend (hindi kapamilya)- 30
20. Pagbabago sa rami ng pakikipagtalo sa asawa o life partner - 30
21. Pagkakaroon ng utang sa bahay at lupa o pera bunga ng malaking kadahilanan - 25 22. Na-elit na mortgage at utang - 25
23. Halos wala pang 8 oras ang tulog gabi-gabi -25
24. Pagbabago ng responsibilidad sa trabaho - 25
25. May problema sa in-laws o sa mga anak -25
26. Outstanding personal achievement -25
27. May trabaho na uli ang asawa o huminto na sa trabaho- 20
28. Simula na ang klase o bakasyon ng klase -20
29. Pagbabago sa kondisyon ng pamamahay (bisita, roommates, remodeling)- 20
30. Pagbabago sa personal habits (diet, exercise, smoking)- 20
31. Chronic allergies-20
32. Problema sa boss -20
33. Pagbabago sa oras ng trabaho o kondisyon -15
34. Paglipat sa bagong bahay- 15
35. May pre-menstrual period 15
36. Paglipat ng eskuwelahan -15
37. Pagbabago sa relihiyon- 15
38. Pagbabago sa social activities-15
39. Maliit na halaga ng utang- 10
40. Pagbabago sa madalas na family get togethers -10
41. Bakasyon-10
42. Kaunting paglabag sa batas- 05
TOTAL SCORE: Interpretasyon ng iskor:
0-150 Kung ang iyong iskor ay umabot dito kaunting-kaunti lamang ang stress. Maliit lamang ang tsansang dumanas ng sakit o krisis.
150-199 Dito ay indikasyon na dumaranas ka ng MILD stress na posibleng magipit o magkasakit ng kaunti rin namang krisis o sakit..mga 33 %.
200-299 Ang iskor na ito ay indikasyon ng MODERATE stress situation. Ito ay maaaring magresulta sa malaking posibilidad ng aksidente, sakit at iba pang krisis, mga 50%.
300 o higit pa. Ang mga umiskor ng antas na ito ay dumaranas ng mataas na antas ng stress at tiyak na
mataas din ang peligro na nahaharap sa krisis o karamdaman. Ito ang kinokonsiderang peligrosong antas, mga 80% ang tsansa ng dumanas ng ilang problema.
Gayunman, ang sukatang ito ay hindi naman tuwirang batayan para maiantas ang rate stress, iba-iba rin kasi ang paraan ng bawat tao sa pagdadala ng problema sa mga nakaka-stress na sitwasyon. Pero ito pa rin naman ang puwedeng maging gabay natin kung paano sosolusyunan ang stress. Pero kung umiiskor ka ng higit sa 300, bagong adjustment na sa estilo ng buhay ang kailangan.








Comments