top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kalidad ng pamumuhay sa bansa, ‘di gumaganda…Sangkaterbang utang ng ‘Pinas, saan napupunta?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 12, 2023



IBINIDA NI SEN. ROBIN PADILLA NA SUPORTADO NG PDP-LABAN ANG CHACHA, FAKE NEWS PALA—Fake news pala ang ibinida ni PDP-Laban member, Sen. Robin Padilla na suportado raw ng mga kapartido niya ang isinusulong niyang Charter change o Chacha.


Mismong si PDP-Laban member Sen. Francis Tolentino kasi ang nagsabi na walang katotohanan ito dahil hindi pa pinag-uusapan ng mga miyembro ng PDP-Laban kung susuportahan nila o hindi ang Chacha.


Next time kasi, huwag masyadong nagpapabida sa Senado si Sen. Padilla para hindi nasusupalpal ng kapartido niya sa PDP-Laban. Boom!

◘◘◘


SA CHACHA, BAKA ANG MAKINABANG LANG ANG MGA BUWAYANG PULITIKO AT SUWAPANG NA KAPITALISTA—Imbes na Chacha, ang dapat isulong ni Sen. Padilla sa ay kung paano mapapababa ang presyo ng mga bilihin at bayarin, dahil kapag napababa ito ay mamamayan ang makikinabang.


Ang isinusulong kasing Chacha ni Sen. Padilla ay maganda lang sa pandinig sa una, pero baka kalaunan, kapag nabago na ang Saligang Batas, eh ang makinabang lang d’yan ay mga buwayang pulitiko at suwapang na kapitalisya. Buset!


◘◘◘


SAAN NAPUPUNTA ANG SANGKATERBANG KUWARTA NA INUUTANG NG PAMAHALAAN?—Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na nitong Enero ay nadagdagan ng P279.63 billion ang utang ng Pilipinas, kaya sa kabuuan ay pumalo na sa higit P13.70 trillion ang utang ng bansa sa iba’t ibang financial institutions sa mundo.


Okey lang sana kung gumaganda ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pinoy dahil sa kakautang ng gobyerno, pero hindi dahil marami pa rin naghihirap sa taas-presyo ng mga bilihin at bayarin.


Kaya ang tanong, saan napupunta ang sangkaterang kuwarta na inuutang ng pamahalaan?


Period!


◘◘◘


WALA BA KAHIT ISANG PULITIKO NA NAGBABAYAD NG TAMANG TAX SA PAMAHALAAN?—Bukod sa mga kilalang negosyante, kabilang ang mga celebrity na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Michael V., Vic Sotto, Sarah Geronimo, Willie Revillame, Judy Ann Santos, Anne Curtis, Maja Salvador at Coco Martin sa binigyan ng parangal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.


Siguro, wala kahit isa sa mga pulitiko ang nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan, kaya kahit isa sa kanila ay walang nabigyan ng parangal ng BIR. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page