Kalahating metrong physical distance, giit ng mga negosyante

ni Jasmin Joy Evangelista | December 18, 2021

Nais ng mga negosyante na gawin na lamang kalahating metro ang physical distancing ng mga manggagawa sa opisina, at kostumer sa mga restoran at establisimyento upang mas marami umanong magamit na espasyo.
Anila, bagaman mayroon nang naitalang Omicron variant sa bansa ay halos fully vaccinated na ang lahat ng manggagawa sa bansa.
"[Sa] one-meter [distancing] kasi 50 percent lang ng opisina nila ang magagamit pero kung bawasan ang distansiya, mas maraming empleyado ang magkakasya doon sa kanilang opisina para mas maging efficient naman ang gamit ng opisina," paliwanag ni Ricky Salvador, executive director ng IT and Business Process Association of the Philippines.
Aniya pa, susunod pa rin naman sa health protocols ang mga empleyado kahit bawasan ang physical distance.
Pabor dito ang mga restaurant owners.
“At one-meter rule, we are only half capacity but when you reduce that, we can increase capacity by 30 percent to 50 percent," ani Resto.ph President Eric Teng.
Katuwiran din ng mga restaurant owner ay puro bakunado lang naman ang pinapayagan mag-dine-in at lahat din ng staff ay fully vaccinated na.
Ngunit giit ng infectious disease expert na si Rontgene Solante, hindi pa muna dapat baguhin ang patakaran sa physical distancing ngayong nasa Pilipinas na ang mas nakahahawang omicron variant ng COVID-19.





Comments