top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Kalabasa award' para sa gobyernong 'di mapababa ang presyo ng bilihin at singilin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 12, 2023

NEXT WEEK, HINDI LANG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO ANG TATAAS, KUNDI PATI TOLL FEE SA NLEX -- Inanunsyo ng gobyerno na next week ay magkasunod na tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo at singil sa toll fee ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ang dagdag-presyo sa gasolina ay P1, ang sa diesel ay P1.20 at sa kerosene ay P1.26, samantalang P7 naman ang magiging dagdag sa toll fee sa NLEX.

Kumbaga, parang inanunsyo na rin ng pamahalaan na next week ay may dagdag-pahirap na naman ang gobyerno sa mamamayan, boom!

◘◘◘

IBIDA KAYA NI P-BBM SA SONA NA ISUSUGAL NG KANYANG ADMINISTRASYON ANG PONDO NG SSS, GSIS, PHILHEALTH AT PAG-IBIG SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND? -- Sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na marami raw siyang ibibida sa kanyang State of the Nation Address (SONA) next month.


Kasama kaya sa ibibida ni P-BBM sa SONA na isusugal ng Marcos administration sa Maharlika Investment Fund (MIF) ang pension funds ng mga SSS at GSIS members, health care funds ng mga PhilHealth members at housing funds ng mga Pag-IBIG member? Abangan!

◘◘◘


SANA SA SONA NI P-BBM, WALANG FAKE NEWS! -- Kung kasama sa ibibida ni P-BBM ang inflation rate ng bansa, sana ay ‘yung makatotohanan at walang halong fake news.

Pinalalabas kasi ng Marcos administration na bumaba na raw ang presyo ng mga bilihin at bayarin kahit hindi naman totoo, at ang tanging bumaba lang talaga ang presyo dahil sa over supply ay ang presyo ng kalabasa, period!

◘◘◘

DAHIL KALABASA LANG ANG BUMABA ANG PRESYO, DAPAT BIGYAN NG KALABASA AWARD ANG MARCOS ADMIN -- Ang pagbaba ng presyo ng kalabasa ay hindi fake news kasi masyadong marami ang naging ani ng mga magsasaka sa gulay na ito, na sa sobrang dami, ang ibang kalabasa na sa halip mabulok ay ginawa nang bagsak-presyo.

‘Yang pagbaba ng presyo ng kalabasa, ‘yan ang dapat ibida ni P-BBM sa kanyang SONA, at pagkaraan ng kanyang SONA ay bigyan niya ng “Kalabasa Award” ang kanyang gobyerno kasi nga bigo ang Marcos administration na mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin at bayarin, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page