Kakanta sana, no show sa kasal niya… ANGELINE, NAGTAMPO KAY YENG
- BULGAR

- 48 minutes ago
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | February 8, 2026

Photo: IG _loveangelinequinto
Todo-tampo pala ang aktres-singer na si Angeline Quinto kay Yeng Constantino dahil wala noong wedding niya.
Ibinulgar nga ito ni Angge sa YouTube (YT) channel ni Chad Kinis nang i-guest siya.
Dapat daw ay si Yeng ang kakanta sa wedding march niya pero hindi kinaya dahil may ibang commitments.
“Oo, nagtampo ako kay Yeng,” sey ni Angeline. Pagpapatuloy niya, “S’ya kasi dapat ang kakanta sa bridal march ko. S’ya agad ‘yung naisip ko nu’n kasi gusto ko ‘yung song na Ikaw. So nu’ng nag-yes si Yeng sa akin, s’yempre, ‘Yeng, thank you,’ sinabi ko ‘yung date. Actually, s’ya ‘yung unang nakaalam na ikakasal kami ni Nonrev sa mga kaibigan ko. Kahit si Ate Vice (Ganda), Erik (Santos), ‘di ko pa sinabihan.”
Paliwanag pa niya, “Parang nagsama-sama lang ‘yung pressure kasi ilang linggo na lang, malapit na, tapos biglang walang kakanta.”
Dahil dito, nakagawa si Angeline ng original song na isinulat niya kasama si Jonathan Manalo, na naging mas espesyal para sa kasal nila ni Nonrev Daquina.
Well, mukhang okey at friends pa rin sila ni Yeng Constantino na kitang-kita sa mga post na magkasama sila. Patunay lang na mas tumitibay ang pagkakaibigan kapag dumadaan sa pagsubok.
HUMAKOT ng simpatya ang aktres-singer na si Tuesday Vargas sa Facebook (FB) dahil nagmamakaawa na siyang bigyan ng projects ng mga kaibigan sa showbiz.
Kinol-out niya ang mga writers, producers at directors, at sinabi niyang handa siyang tanggapin ang kahit na anong project at gagawin niya ito nang maayos.
Sey ni Tuesday, “Sa mga kaibigan kong writer, producer at director po, kung meron po kayong projects para sa akin ay available po ako. I am a diligent worker and I’d like to believe that I am a good and versatile artist. Please hire me po. Promise, paghuhusayan ko po. Salamat po.”
Sa Instagram (IG) Story naman, dagdag niya, “Guys, if you have work for me, I promise I will do my best po to be of service. I am a host, actress and singer po. I also coordinate and style events. I am also a public speaker. And I can also do commissions for paintings.”
Agad na nag-viral ang post, at dumagsa ang suporta mula sa kanyang mga fans at netizens. Pinuri siya dahil sa kanyang honesty, at inalala ang kanyang galing sa comedy at drama roles.
Sey ng mga netizens…
“I am your fan, Miss Tuesday Vargas. You’re a versatile performer but most of all, love your sense of humor.”
“Bagay ka rin sa teatro, Ms. Tuesday.”
“Sana nga po, Miss, mahusay po kayong artist. Nakakaaliw din po kayo.”
“You are not just a good artist, but mostly a good person. I admire your genuineness. I will pray that you may have a looooong line of projects.”
Well, nakakalungkot naman talaga dahil maraming magagaling na artista na nakakalimutan na. Ang laging binibigyan ng mga projects sa showbiz ay ang mga bagets at sikat, na kadalasan ay flop naman.








Comments