Search
  • BULGAR

Kailan magsisimula ang bagong contribution rate?

Updated: Jan 8

@Buti na lang may SSS | January 3, 2021


Dear SSS,


Magandang araw. Nabalitaan ko na muling itataas ng SSS ang contribution rate. Totoo ba to at kailan ang simula ng bagong contribution rate? – Myra, Taguig City


Sagot


Mabuting araw sa iyo, Myra!


Mula ngayong Enero, ipatutupad na ang bagong contribution rate. Magiging 13% na ang contribution rate sa SSS mula sa kasalukuyang 12%. Bunga nito, tataas ang savings o maiipon ng miyembro para pagdating ng panahon matatamasa nila ang mas mataas na benepisyo sa pagreretiro.


Ang pagtataas ng kontribusyon ay isa sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018. Itinatakda nito na itaas ang SSS contribution 1% kada dalawaang taon hanggang sa umabot ito ng 15% sa 2025.


Nais nating ipaunawa na ginagawa ito ng SSS upang tulungang makapag-ipon ang mga manggagawa para sa kanilang pagreretiro. Pinakamabuting magsimulang mag-ipon ngayon na malalakas tayo upang pagdadating ng panahon ayon nga sa kasabihan ay mayroong madudukot.


Sa ilalim ng bagong contribution rate, hati pa rin ang employer at manggagawa sa hulog sa SSS. Ang share ng employer ay 8.5% at 4.5% naman ang sa manggagawa.


Halimbawa ang empleyado na sumasahod ng P10, 000 kada buwan. Tataas ang employee share ng P50. Mula sa kasalukuyang P400, ito ay magiging P450. Habang ang employer share naman ay tataas ng P50. Mula sa kasalukuyang P800, ito ay magiging P850 na. Sa kabuuang ang magiging SSS contribution ng manggagawa ay P1, 300 kada buwan mula sa dating P1,200 kada buwan.


Kasabay ng pagtaas ng contribution rate, iaangat din ang Monthly Salary Credit (MSC) o ang salary level na pinagbabatayan ng halaga ng buwanang kontribusyon. Magiging P3, 000 ang pinakamababang MSC at P25,000 naman ang pinakamataas na MSC.


Kaakibat ng pagtataas ng kontribusyon at MSC ay tataas din ang halaga ng benepisyong makukuha ng miyembro sa SSS. Nawa’y maunawaan ng ating mga miyembro na sila rin ang makikinabang sa inihuhulog nila sa SSS pagdating ng panahon.

◘◘◘


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, hinihikayat namin ang mga miyembro at employer na bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


◘◘◘


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.