top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Kaila, pinayuhang mag-ingat sa BF… DANIEL, NAG-“MEOW” LANG HABANG KUMAKANTA, ‘DI NA RAW MAKA-MOVE ON KAY KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 30, 2026



BULGARY - DANIEL, NAG-“MEOW” LANG HABANG KUMAKANTA, ‘DI NA RAW MAKA-MOVE ON KAY KATHRYN-FB Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Photo: FB Kathryn Bernardo & Daniel Padilla



Na-bash nang todo si Daniel Padilla at sinabihan pang ‘red flag’ matapos siyang biglang mag-‘meow’ habang kinakanta ang Hinahanap-Hanap Kita sa isang live event.


May mga netizens na nagsabing hindi pa raw naka-move on ang aktor sa dati niyang karelasyon na si Kathryn Bernardo dahil sa bigla niyang pag- ‘meow’ na tunog ng “cat” o “pusa” na iniuugnay sa pangalan ng aktres na ‘Kath’.


Tila hindi nga nakaligtas sa birada ng mga netizens ang ginawa ni Daniel.

Dahil dito, nadamay na rin ang current GF niyang si Kaila Estrada. May mga nagpayo sa aktres na hangga’t maaga ay tumakbo na, habang mayroon ding nagsabing mag-ingat siya. 


May mga netizens namang dumepensa kay Daniel at nagsabing maaaring bahagi lamang ng kanyang performance ang biglaang pag- ‘meow’ at baka nagpapatawa lamang siya sa stage.


Pero siyempre, hindi mawawala ang mga todo-banat. May ilan pang gumamit ng mga bansag na ‘Meow Band’ at ‘Malung-cat’ bilang biro sa kanyang performance.

May ilan ding nagsabing ginagamit umano ni Daniel ang pangalan ni Kathryn para muling pag-usapan at umingay ang kanyang pangalan.





SB19, ‘BINULABOG’ ANG SENADO 



Nabulabog ang Senado nang dumating ang SB19 para tanggapin ang Senate Resolution No. 545 bilang pagkilala sa kanilang makasaysayang performance sa Lollapalooza at ambag sa Philippine creative industries.


Si Sen. Bam Aquino ang naghain at nag-sponsor ng resolusyon. Binanggit niya na ang SB19 ang unang homegrown Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza, na ginanap sa Grant Park sa Chicago noong July 30.


Hindi lang Lollapalooza ang binigyang-diin. Kinikilala rin ng Senado ang paraan ng SB19 sa pagdadala ng Filipino identity at kultura sa international stage, pati ang kanilang mga achievements sa international music scene.


Ang mas naging interesante ay ang usapin tungkol sa bagong batas.

Kasabay ng pagkilala sa grupo, ibinahagi ni Sen. Bam na nakikipagtulungan ang SB19 sa pagbuo ng panukalang batas para sa creative industry.


Ayon pa sa kanya, kabilang sa mga problemang naibahagi nina Pablo at Josh ang mga visa issues at iba pang hamon na kinakaharap ng Filipino artists kapag nagtatrabaho o nagpe-perform sa ibang bansa.


Isa sa mga pinag-iisipan nilang solusyon ang pagkakaroon ng isang government agency na tututok sa creative economy — kahalintulad ng Korea Creative Content Agency (KOCCA).


Sinabi rin ng senador na suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang ginagawa at inaasahang maisusulong ang panukala.


Sa livestream pagkatapos ng Senate recognition, ipinaliwanag ng SB19 kung bakit mahalagang magkaroon ng mas konkretong suporta para sa creatives.


Inihalintulad nila ang mga Filipino artists sa mga athletes na kumakatawan din sa bansa kapag pumupunta sa international competitions at events.


Kaya hindi lang simpleng pagkilala sa SB19 ang nangyari sa Senado. Pagkakataon din ito para ma-highlight ang mas malaking usapin tungkol sa suporta ng gobyerno sa Filipino musicians, performers at iba pang creative workers na nagdadala ng kulturang Pinoy sa ibang bansa.





May kani-kanyang buhay na after mag-break… 

LIZA, NILINAW NA WALA SILANG SAMAAN NG LOOB NI ENRIQUE



Nilinaw ni Liza Soberano na walang samaan ng loob sa pagtatapos ng relasyon nila ng dating boyfriend at matagal niyang naging ka-love team na si Enrique Gil.


Sa isang vlog ni Karen Davila, sinabi ni Liza na nananatili silang maayos ni Enrique, bagama’t aminado siyang hindi na sila tulad ng dati na madalas mag-usap.


“We're okay. Our relationship ended on good terms, and even after that, we were still maintaining open communication. But, I would say over the past year, we haven't really been talking as much. I think ever since I made that final official announcement, with the breakup and everything,” ani Liza.


Ayon sa aktres, bahagi rin ng kanilang naging desisyon ang pagbibigay ng sapat na espasyo sa isa’t isa para makapag-move on at muling mahanap ang kanilang sarili.

“We also wanted to give each other the space to kind of move on and find ourselves,” saad niya.


Hindi rin itinanggi ni Liza na may adjustment period para sa kanilang mga tagahanga, lalo na’t matapos ang maraming taon na nakilala sila bilang LizQuen.


Aniya, kailangang masanay ang kanilang mga fans na hiwalay na sila ni Enrique.

“For so long we're LizQuen, you know. But now it's Liza and Quen, and I think it takes some time getting people used to that,” paliwanag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page