top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaibigan na galing sa malayong lugar, makikita ulit ng nanaginip na gumawa ng alak

BULGAR
Apr 25, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 25, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Geraldine ng Silang, Cavite.


Dear Maestra,


Isang mapagpalang araw sa inyo! Akala ko ay mananatili na lang akong tagabasa ng column n’yo, pero hindi pala. Naisip kong kumonsulta sa inyo tungkol sa panaginip ko dahil napanaginipan kong bumili ako ng maraming ubas upang gawing alak. Sinamahan ko pa ito ng iba pang prutas na inaakala kong masarap, tapos kumuha ako ng blender at tinunaw ang nasabing mga prutas upang gawing alak.


Nasiyahan ako nang tikman ko ang alak na ginawa ko dahil napakasarap nito. Tuwang-tuwa ako at buong pagmamayabang ko itong ipinatikim sa lahat ng aking kasama sa bahay. Ano ang ipinahihiwatig nito?


Naghihintay,

Geraldine,


Sa iyo, Geraldine,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay may darating kang kaibigan galing sa malayong lugar na matagal mo nang hindi nakikita. Magugulat ka sa kanya dahil ibang-iba na ang hitsura niya at halos hindi mo na makilala. Ito rin ay nangangahulugan ng hindi inaasahang pangyayari na magdudulot sa iyo ng kaligayahang hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. Labis-labis na surpresa ang matatanggap mo at maglalaho na ang kalungkutan mo. Ibig sabihin, liligaya ka na rin sa wakas.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page