Kaibahan ng Pasko 2020 sa mga nakaraang taon paano ipauunawa sa mga bata?
- BULGAR

- Dec 27, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 27, 2020

Sa nagdaang Pasko, marami ang nagkaroon ng kakaibang plano na susunod sa health at safety protocols ng bawat isa upang hindi mahawahan ng pandemya lalo na ang mga bata. Paano n'yo ba nairaos ang Kapaskuhan na hindi talagang nagsama-sama? Paano lalampasan ang iba't ibang opinyon ng tao kung ano ba ang ligtas o hindi? Paano natimbang ang pagkadismaya at kalungkutan lalo para sa mga bata?
May ilang tips ang mga eksperto kung ang best of holidays sa panahong ito ng pandemya ay maramdaman pa rin anuman ang sitwasyon. Para maibsan din ang stress at matulungan ang bawat isa sa pamilya na maging masaya pa rin sa kakaibang holiday season na ito.
Ipaliwanag sa mga bata ang totoong kahulugan ng Pasko na nahaharap sa pandemya. Kung noon abala tayo sa pamimili sa labas, pero ngayon ay online na lamang ang pagbili, nariyan pa rin naman ang pagdedekorasyon ng tahanan, Christmas tree, pag-aayos ng mga ilaw, etc, pero huwag kalimutan na ipaliwanag sa mga bata kung ano nga ba ang Paskong ito. Si Hesukristo pa rin ang rason sa panahong ito.
Tanungin muna ang mga bata kung ano ang kahulugan ng Pasko sa kanila at kung ano ang naririnig o nakikita nila sa mga telebisyon o social media hinggil sa pag-iingat ng lahat.
Ipaliwanag sa kanila na ang Pasko ay hindi lamang tungkol kay Santa na naghahatid ng aginaldo. Kundi may mga creative ideas tayong puwedeng maibahagi sa kanila kahit kayo-kayo lamang sa lob ng bahay. Puwede rin namang magkaroon ng Christmas walk o mag-charity online. Magpa-contest pa rin sa loob ng bahay, mag-videoke. Kung puwede namang magbiyahe, gagawa sila ng handmade cards para sa kanyang mga pinsan na naglalahad ng kanilang malasakit ngayong mga pandemic, hindi ba't kakaibang thoughtfulness at masaya. Sa paraan na iyan ay lalabas ang kanilang magagandang ideya at creativities.
Kung gusto pa ring mag-enjoy ng bata ay gawan ng paraan na magkaroon ng zoom family games o long distance chatting sa kanilang dating playmates o classmates at christmas parties na idaraos ng virtual.
Ipaliwanag pa rin sa kanya at huwag kalimutan na tulad ng ating pagdaraos ng kaarawan, ang Pasko ay araw ng kapanganakan ni Hesus at dapat magsimbang gabi na suot ang kanilang facemask at faceshields at huwag makikipagsiksikan.
Basahin ang nakatala sa Bibliya hinggil sa Pasko at ang pagkasilang ni Hesus.
Nang isilang si Hesus, ang mga haring mago ay nagdala ng regalo para ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus. Ito ang rason kung bakit tayo nagpapalitan ng aginaldo. Ipaliwanag na nagbibigay tayo ng regalo pata ipakita ang pagmamahal at pangangalaga mula sa ating puso.
Ipaliwanag ang presyo ng regalo ay hindi mahalaga. Ang mahalagang bagay na maalala ay nakapagbigay ka ng regalo na mula sa puso.








Comments