top of page
Search

Kai Sotto lilipat ng puwersa sa Koshigaya

BULGAR

ni Gerard Arce @Sports | June 20, 2024



showbiz news

Inaasahang itatatag ni Gilas Pilipinas tower Kai Zachary Sotto ang kanyang katayuan bilang isa sa mga inaabangang puwersa sa basketball sa bansa sa pananatili nito sa Japan B. League para sa bagong koponan na Koshigaya Alphas sa susunod na season.


Inihayag sa isang online report na tatalon sa second division ng East Conference ang 22-anyos na 7-foot-3 Filipino center matapos nitong lisanin ang Yokohama B-Corsairs at Hiroshima Butterflies sa nagdaang 2023-24 season ng B.League.


Dalawang season din itong nasilayan sa Adelaide 36ers sa National Basketball League (NBL) sa Australia, kung saan hinirang itong NBL Fans MVP noong 2022 at 2023 season.    


Nagawang magpasikat ni Sotto sa 34 na laro sa Japanese league noong nagdaang season para itala ang 12.8 points, 6.4 rebounds, at 1.1 blocked shots para sa Yokohama. Kinakitaan ito ng pinakamahusay na laro noong nagdaang season ng ibuhos ang 28 puntos mula sa 12-of-15 shooting at humakot ng anim na boards laban sa semifinalists na Alvark Tokyo.


Magiging malaking tulong si Sotto sa Koshigaya na naglalaro sa B2 League matapos makatuntong sa Finals upang maiangat sa isa sa matataas na dibisyon sa liga, lalo na’t kinakitaan ng malaking pagbabago sa laro ang dating Ateneo Blue Eaglets ng magpasikat ito sa mga buwan ng Pebrero hanggang Abril ng kumamada ito ng 17.0 puntos at 7.8 rebounds kada laro sa 16 na sunod na laro.  


Kinukonsiderang isa sa mga tinitingnang prospect ang tubong Las Pinas City na makakapasok sa prestihiyosong National Basketball Association (NBA) sa Amerika.


Tinangka nitong magpa-draft noong 2022, subalit hindi ito pinalad na mapili sa nagdaang dalawang rounds


Sumubok si Sotto na makapaglaro sa NBA sa pamamagitan ng NBA Summer League nang tapikin ng Orlando Magic, subalit na-injured ito. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page