Kahulugang ng tinapay ang kinain sa hapunan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 7, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorrie ng Batangas.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na sa halip na kanin at ulam ang aking hapunan, ang kinain ko ay tinapay lang. Tapos uminom ako ng soft drink hanggang maubos ko ‘yung isang bote.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lorrie
Sa iyo, Lorie,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo sa kumain ka ng tinapay sa halip na kanin at ulam ay maiiwasan mo ang hindi magagandang pangyayari na paparating sa iyong buhay na maaaring madamay ang mga mahal mo sa buhay.
Ang uminom ka ng soft drink matapos kumain ng tinapay ay nagpapahiwatig na sa kabila ng dinaranas mong kalungkutan sa kasalukuyan, mapapalitan ‘yan ng kaligayahan. ‘Ika nga, kung may lungkot, may ligaya.
Samantala, ang naubos mo ang soft drink na iniinom mo ay nangangahulugan na ang buhay ay paikot-ikot lang, sapagkat ang kahulugan nito ay kailangan mong mag-ingat sa iyong mga lihim na kaaway.
Maging mapagmatyag ka sa lahat ng sandali. Talasan mo ang iyong pakiramdam dahil hindi lahat ng araw ay puro kaligayahan. May lihim na naiinggit sa iyo at anumang oras ay handa siyang pabagsakin ka.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments