Kahulugan ng wolf, tumakbo, nadapa at sugat sa tuhod
- BULGAR
- Oct 16, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 16, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Alice ng Mabalacat, Pampanga.
Dear Maestra,
Tagasubaybay ako ng column ninyo sa Bulgar kaya gusto ko ring magpaanalisa ng aking panaginip. Napanaginipan ko na nasa kabundukan ako, tapos may lumabas na wolf at takot na takot ako kaya tumakbo ako nang mabilis. Dahil sa mabilis na pagtakbo, nadapa ako at nagkasugat sa tuhod. Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Alice
Sa iyo, Alice,
Ang panaginip mo tungkol sa wolf o lobo ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa isa sa matalik mong kaibigan dahil hindi siya mapagkakatiwalaan. May masama siyang binabalak gawin laban sa iyo. Muli, iwasan mo ang sobrang tiwala sa mga kaibigan.
‘Yun namang tumakbo ka nang mabilis, nadapa at nasugatan ka sa tuhod, kabaligtaran ang ibig sabihin nito dahil ito ay nangangahulugan na kaligayahan sa pag-ibig ang naghihintay sa iyo. Kumbaga, susuwertehin ka sa love life. Magiging sagana, panatag at masaya ang pagsasama ninyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments