top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahulugan ng wolf at zebra sa bintana

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 07, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Herbert ng Quezon City.


Dear Maestra,


Muntik na akong bangungutin sa panaginip ko dahil may lumitaw na wolf at zebra sa bintana ko, tapos natakot at nagsisigaw ako at bigla akong nagising. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at para akong hindi makahinga. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Herbert


Dear Herbert,


Ang ibig sabihin ng wolf sa panaginip mo ay mayroon kang kaaway na makitid ang isipan at hindi nakakaunawa ng mabuti at masama. Dahil dito, dapat kang mag-ingat dahil gagawin niya ang lahat upang pabagsakin ka. Talasan mo ang iyong pakiramdam at huwag kang magtiwala sa mga kaibigan.


‘Yung zebra naman ay nagpapahiwatig na palagi kang maging alerto at mapagmatyag. Mahirap kasing tukuyin kung sino ang totoo mong kaibigan at kung sino ang nagbabalat-kayo lamang.


Dobleng pag-iingat ang dapat mong gawin upang makaligtas sa nakaambang kapahamakan.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page