top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan ng wa’ na makain at pumunta sa simbahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 01, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joven ng Aklan.


Dear Maestra,

Isa akong janitor sa isang maliit na kumpanya, kaya hindi sapat ang kinikita ko para sa mga pangangailangan ng aking pamilya.


Napanaginipan ko wala na kaming makain ng pamilya ko. Hirap na hirap na kami sa buhay, kaya naisipan kong pumunta sa simbahan upang magdasal nang taimtim.


Humingi ako ng tulong sa Diyos Ama para hanguin na kaming mag-anak sa kahirapan.


Kinabukasan, pinatawag ako ng boss ko at na-promote ako. Hindi na ako janitor kundi isang ganap na empleyado, at nadagdagan ang suweldo ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joven


Sa iyo, Joven,


Ang panaginip mo na hirap na hirap ka na sa buhay, at wala na kayong makain ng pamilya mo ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Ito ay nangangahulugang susuwertehin ka sa buhay. May matatanggap kang malaking halaga nang hindi mo inaasahan, biglang yaman ka, at mahahahango na sa kahirapan ang pamilya mo.


Samantala, ang naisipan mong pumunta sa simbahan upang magdasal at humingi ng tulong sa Diyos Ama ay nagpapahiwatig ng kalusugan ng katawan at kaligayahan. Ito rin ay nangangahulugang may malinis kang kalooban, maawain at mapagmahal.


Ang na-promote ka sa trabaho, dinagdagan ang suweldo mo ay nangangahulugang may kakayahan kang magwagi sa anumang hamon ng buhay.


Mapagtatagumpayan mo ang mga pagsubok na kakaharapin mo sa susunod na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page