Kahulugan ng unggoy at kinagat ng langgam sa paa
- BULGAR
- Oct 31, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 31, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Herbert ng Caloocan City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may nakita akong unggoy na nakaupo sa punong mangga namin. Lalapitan ko sana ‘yung unggoy, pero nang malapit na ako sa puno, may kumagat na langgam sa paa ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Herbert
Sa iyo, Herbert,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang unggoy sa punong mangga n’yo ay makakaranas ka ng hindi inaasahang kabiguan sa iyong buhay sa darating na mga araw. Hindi lahat ng araw ay palaging ayos dahil darating nang hindi inaasahan ang kabiguan. Kaya maging matatag ka at hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
Ang nakaupo ang unggoy sa puno ay nagpapahiwatig ng paparating na gulo. Madadamay ka sa kaguluhan na dulot ng hindi pagkakasundo ng pamilya mo. Isipin mo nang mabuti kung may nagawa ka bang kamalian na dapat mong ituwid upang hindi ka madamay sa naturang gulo.
Samantala, ang nakagat ka ng langgam nang papalapit ka sa puno ay nangangahulugang daranas ka ng mga pagkabahala at pagkainis sa pupuntahan mong lugar, kung saan ka magtatrabaho. Maraming sagabal at hadlang sa iyong pakikipagsapalaran upang makamit ang minimithi mong tagumpay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments