top of page

Kahulugan ng umuwi sa probinsya at nakursunadahan ng bagong salta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 19, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bhot ng Sampaloc, Manila.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, ligtas sa kapahamakan at may magandang kalusugan sa sandaling mabasa n’yo ang aking panaginip.


Napanaginipan ko na umuwi kami ng father ko sa probinsya para maki-piyesta ru’n, ngunit napaaway ako dahil nakursunadahan ako ng isang bagong salta ru’n.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Bhot


Sa iyo, Bhot,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kasama mong umuwi ang father mo sa probinsya, ay magiging maayos ang lahat ng mga pinaplano mo.


Ang naki-piyesta kayo ru’n ay nangangahulugang magtatagumpay ka sa kasalukuyan mong ginagawa, mapa- negosyo man ito o trabaho.


Samantala, ang napaaway ka dahil nakursunadahan ka ng bagong salta sa lugar n’yo, magugulat ka dahil kabaligtaran ang ibig ipahiwatig nito. Sa halip na away, suwerte ang hatid nito sa buhay mo. Magiging mapalad ka sa negosyo, at uunlad ang pinaplano mong business. Susuwertehin ka rin sa pakikipagrelasyon, magiging masaya kayo at mapupuno ng pagmamahalan ang mga darating na araw sa buhay n’yo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page