top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Kahulugan ng uminom ng wine at whisky

BULGAR
Aug 19, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 19, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rene ng Dagupan City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may party sa bahay namin, tapos masaya kaming nag-iinuman ng wine ng mga kaibigan ko. Nang maubos ang wine, whisky naman ang naisipan kong inumin.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rene



Sa iyo, Rene,


Prosperity and happiness ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-iinuman kayo ng wine ng mga kaibigan mo. Ang wine ay sumisimbolo rin ng magandang kalusugan at mga kasayahan na nakatakda mong puntahan kasama ng mga matalik mong kaibigan.


Samantala, ang sabi mo ay whisky naman ang ininom mo nang maubos ang wine. Ito ay nangangahulugan na posible kang maging lasenggo, kaya hangga’t maaari ay iwasan mo ang madalas na pag-inom ng alak. May babala rin ng pagkakasakit kapag hindi mo napigilan ang sarili mo sa sobrang pag-inom ng alak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page