top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng uminom ng whisky at wine

BULGAR
Oct 3, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 3, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romulo ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umiinom ako ng whisky. Nang maubos ko ang isang bote ay wine naman ang ininom ko, pero hindi naman ako nalasing.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Romulo


Sa iyo, Romulo,


Ang panaginip mo na umiinom ka ng whisky ay nangangahulugan na may posibilidad na maging lasenggo ka. Nagpapaalala rin ito na iwasan mo na ang pagiging palainom ng hard drinks dahil hindi ito makabubuti sa iyong kalusugan.


Samantala, ang wine ay sumisimbolo ng kasaganaan at kaligayahan kasama ang iyong mga kaibigan. Ang uminom ka ng wine ay nagpapahiwatig na may pagtitipon kang dadaluhan kasama ang iyong mga kaibigan, kung saan magiging masaya at magkakatuwaan kayo.


Ito rin ay nangangahulugang malulutas na ang problemang gumugulo sa iyong isipan, kung saan liligaya ka na sa darating na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page