Kahulugan ng tumaya ng lotto
- BULGAR
- Dec 30, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 30, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bryan ng Palawan.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo at sa mga mahal n’yo sa buhay. Napanaginipan ko na pumunta ako sa lotohan para tumaya, tapos pagkauwi ko ay may nakasalubong akong pulubi, naawa ako kaya binigyan ko siya ng pera. Ano ang kahulugan ng panaginip kong ito?
Naghihintay,
Bryan
Sa iyo, Bryan,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tumaya ka sa lotto ay may binabalak kang gawin na hindi makabubuti sa kasalukuyang gawain mo. Ito ay magdudulot ng panganib sa iyong pamilya at sa mga mahal sa buhay. Samantala, ‘yun namang nagbigay ka ng limos sa pulubi ay nangangahulugan na ang taong pinagkakatiwalaan at itinuturing mong matalik na kaibigan ay tatraydurin ka, pero maiiwasan mo ito at hindi siya magtatagumpay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments