Kahulugan ng tumama sa lottery at nalock na cabinet
- BULGAR
- Jul 10, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 10, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Masbate.
Dear Maestra,
Shout out sa inyo r’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na tumama ako sa lottery. Sa halip i-deposit sa bangko ang napanalunan ko, naisipan ko itong itago na lang muna sa cabinet ko, ngunit hindi ko mabuksan ang cabinet. Nalock at pinilit ko itong buksan. Buti na lang ay nabuksan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norma
Sa iyo, Norma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tumama ka sa lottery ay mag-ingat ka sa mga kaibigan mo. May binabalak silang hindi maganda laban sa iyo. Gagawa sila ng paraan para humina ang negosyo mo pati pamilya mo ay guguluhin din nila.
Maging maingat ka sa pakikitungo sa kanila. Huwag kang masyadong magtiwala at maniwala sa magaganda nilang pananalita. Gamitin mo ang iyong isip at talino.
Samantala, ang nalock ang cabinet mo na dapat sana ay do’n mo itatago ang napanalunan mo sa lottery, ay nangangahulugang may kakaharapin kang matinding pagsubok sa buhay. May kaugnayan ito sa negosyo at pamilya mo pero dahil pinilit mong buksan ang cabinet at nabuksan mo naman, ito ay nagpapahiwatig na sa kabila ng pagsubok, sa bandang huli ay magtatagumpay ka rin at maaabot ang iyong mga pangarap sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments