Kahulugan ng tumama ng P5-M sa lotto
- BULGAR
- Nov 18, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 18, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerald ng Bulacan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na sobrang suwerte ko dahil tumama ako sa lotto. Mahigit P5 milyon ang napanalunan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gerald
Sa iyo, Gerald,
Ang ibig sabihin ng tumama ka sa lottery ay dapat kang mag-ingat sa kaibigan mo na naiinggit sa iyo dahil may binabalak siyang masama laban sa iyo. Gayundin, pati ang pamilya mo ay maaaring madamay at ang negosyo mo ay balak niyang pabagsakin.
Ang mahigit P5 milyon na napanalunan mo sa lotto ay nangangahulugan na may balak kang mangibang-bansa. Posible kang matuloy, kaya lang, iwasan mong maloko ng illegal recruiter. Dahil d’yan, maging matalino ka sa pag-a-apply.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna


Comments