top of page

Kahulugan ng tigdas at mapait na gamot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 6, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Delia ng Cavite.


Dear Maestra,


Isang mapagpalang araw sa inyong lahat d’yan sa BULGAR, at sa buong pamilya n’yo.


Napanaginipan ko na nagkaroon ako ng tigdas, tapos uminom ako ng gamot para rito, pero‘di ko malunok dahil napakapait ng lasa nito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Delia


Sa iyo, Delia,


Ang panaginip mo na nagkatigdas ka ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Ito ay nangangahulugan na magiging maayos ang iyong kalusugan, ligtas sa anumang sakit at iba pang karamdaman. Ito rin ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa negosyo at may darating sa iyong malaking pera. Gayunman, magugulat ka dahil hindi mo ito inaasahan.


Samantala, ang uminom ka ng gamot sa tigdas at hindi mo malunok dahil napakapait ng lasa ay nangangahulugan na makakaranas ka ng pagkainis dahil sa isang hindi kanais-nais na pangyayari.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page