top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Kahulugan ng tatlong Marriage Line sa palad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 27, 2021






KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon at pangalawa na siya sa mga nagiging karelasyon ko. Gusto kong malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko, kahit tatlong Marriage Line ang nakikita ko sa aking palad? May plano na kaming magpakasal sa December 2022, matutuloy ba ang kasal naming ito?

  2. Kung may darating pang ikatlong lalaki sa buhay ko, kailan naman kaya ito mangyayari, posible rin bang ibig sabihin ng tatlong Marriage Line sa aking palad ay tatlong lalaki ang mapapangasawa ko?


KASAGUTAN


  1. Mali ang iniisip mo, Andrea, na porke tatlo ang nakaguhit na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M, 2-M at 3-M arrow a., b. at c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ibig sabihin ay tatlong lalaki ang mapapangasawa mo. Sa halip, ang mas tamang sabihin ay tatlong long engagement, meaningful o quality relationship ang mararanasan mo na sadyang itatala ng matindi sa iyong karanasan, kaya naman kusang gumuhit sa kaliwa at kanan mong palad ang nasabing tatlong Marriage Line.

  2. Sa ganitong paliwanag, tandaan din na kahit ang dalawang magkasintahan ay nagli-live in (ibig sabihin, hindi legal na kasal), ituturing din itong “Mararige Line” hangga’t naging makulay, masaya at matindi ang naganap na relasyon.

  3. Sa kabilang dako, kung halos mag-asawa na kayo ng boyfriend mo, ang kulang na lang ay pormal na magsama sa iisang bubong at magpakasal, ang ganitong sitwasyon, kahit magkasintahan pa lang ay maaaring maiguhit na rin sa kaliwa at kanang palad bilang Marriage Line (1-M arrow a.). Kaya sa mabilisang paliwanag, Marriage Line lang ang tradisyunal na tawag, pero karelasyon o mahaba at masaya o may kalidad na pakikipagrelasyon sa opposite sex ang eksaktong tawag sa nasabing Marriage Line (Drawing A. at B. arrow a., b. at c.).

  4. Sa kaso mo naman, Andrea, ang ibig sabihin ng unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) na medyo maikli ay ang unang boyfriend mo, habang ang ikalawa na mas mahaba at makapal na Marriage Line (2-M arrow b.) ay ang lalaking mapapangasawa mo, habang ang ikatlo na medyo maikli rin na mas maikli sa una at ikalawa ay ang ikatlong lalaking makakarelsyon mo, pero hindi mo naman mapapangasawa (3-M arrow c.). Ibig sabihin, habang may ugnayan pa kayo ng mister mo, may lalaki kang mapapatulan, pero dahil maikli ang nasabing Marriage Line (arrow c.) ang nasabing relasyon ay hindi rin naman magtatagal.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Andrea, siguradong matutuloy ang balak n’yong pagpapakasal sa darating na taong 2022 sa buwan ng Disyembre ng ikalawang boyfriend mo ngayon at siya na ang nakatakda mong makasama sa isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page