Kahulugan ng talsik at mabahong tubig kanal
- BULGAR
- May 2, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 2, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rommel ng Cavite.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang mga mahal niyo sa buhay.
Napanaginipan ko na naglalakad ako sa kalsada nang may dumaang rumaragasang kotse at nahulog sa kanal. Tapos, tumalsik sa akin ‘yung tubig kanal at buong harapan ng suot kong damit ay natalsikan ng tubig kaya ang madumi at mabaho ito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rommel
Sa iyo, Rommel,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na natalsikan ka ng madumi at mabahong tubig kanal dahil ito ay nagpapahiwatig na matatalo mo ang iyong mga kaaway, hindi sila magtatagumpay na pabagsakin ka.
Samantala, ang ibig sabihin ng buong harapan ng suot mong damit ay natalsikan ng tubig kanal ay hindi magiging maganda ang reputasyon mo sa inyong lugar dahil sa mga bagay na hindi mo maiwasang gawin kahit alam mong magdudulot ito ng ‘di magandang resulta.
Dahil dito, magiging mababa ang tingin sa iyo ng mga kapitbahay mo, kaya ngayon pa lang ay sikapin mo nang lumayo sa mga bisyo na alam mong walang mabuting idudulot sa pagkatao mo. Disiplina ang kailangan upang ito ay maiwasan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna






Comments