Kahulugan ng tahol at kuwakawag na buntot ng aso
- BULGAR
- Jun 22, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 22, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Peter ng Zambales.
Dear Maestra,
Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan gayundin ang mga kasamahan niyo r’yan sa Bulgar. Mahilig akong mag-alaga ng aso, at tuwang-tuwa ako sa alaga kong aso.
Napanaginipan ko na tahol nang tahol ang alagang aso ko. Kumakawag-kawag pa ang buntot nito, ‘yun pala ay may nakita siyang kalapati na nakadapo sa bintana namin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Peter
Sa iyo, Peter
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tahol nang tahol ang alaga mong aso, ay malalagpasan mo ang matinding pagsubok sa buhay mo.
Ang kakawag-kawag na buntot nito, ay nangangahulugang hindi magtatagal, magiging maligaya ka rin, malulutas mo ang iyong mga problema.
Samantala, may kalapating nakadapo sa bintana niyo, ay sign ng kayamanan at kaunlaran.
Yayaman ka na at tuluy-tuloy na ang iyong pag-unlad.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments