top of page

Kahulugan ng super-tagal dumating ng BF at nagtatawanang mga kapitbahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 04, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Perlita ng Batangas City.


Dear Maestra,

Binabati ko kayo ng isang mapagpalang araw at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko nu’ng last Monday. Napanaginipan ko na hinihintay kong dumating ‘yung boyfriend ko, ang tagal ko nang naghihintay pero wala pa rin siya. Nang dumating siya, sobrang late na sa napag-usapan naming oras.

Tapos, biglang nagtawanan nang malakas ang mga kapitbahay namin at nakatingin sila sa amin ng boyfriend ko. Nagtataka ako kung bakit sila nagtawanan. Ano ang ipinahihiwtig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Perlita


Sa iyo, Perlita,

Maraming salamat sa pagsangguni mo sa akin tungkol sa kahulugan ng iyong panaginip. Ang ibig sabihin ng sobrang late na ang boyfriend mo nang dumating, siya ay palaisip, matalino, tahimik ngunit malalim ang pagkatao. Hindi siya malambing at kulang din sa pagiging thoughtful. Habang ang nagtatawanan ang mga kapitbahay mo na parang kayong dalawa ang pinagtatawanan, ito ay nagpapahiwatig ng pagkabigo sa gusto mong makamit sa buhay. Kung in love ka sa boyfriend mo, nagbababala ang panaginip mo na mag-ingat ka sa mga ikinikilos mo dahil may posibilidad na magkatampuhan kayo ng iyong karelasyon at mauwi sa pakikipagbreak niya sa iyo.


Kalimitan, ang ibig sabihin ng tawanan sa panaginip ay luha at kalungkutan. Kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito sa totoong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page