Kahulugan ng sumali sa takbuhan at nanalo ng ₱10K
- BULGAR
- Sep 8, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 8, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ben ng Caloocan.
Dear Maestra,
Isa akong masugid na tagasubaybay ng column n’yo.
Napanaginipan ko na mayroong sports festival sa barangay namin. Sumali ako sa palarong takbuhan, nanalo ako at ang premyo ko ay depende sa roleta, agad ko itong pinaikot at nanalo umano ako ng ₱10k.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ben
Sa iyo, Ben,
Hindi maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumali ka sa sports festival sa barangay n’yo, nanalo ka sa takbuhan, dahil ito ay masamang kapalaran, hindi magiging maganda ang mga pangyayari sa buhay mo sa mga susunod na araw. Mabuti sana kung natalo ka, dahil ang ibig ipahiwatig nito ay paniguradong uunlad ang iyong buhay.
Samantala, ang pinaikot mo ang roleta para malaman kung magkano ang mapapanalunan mo, ay pahiwatig na mag-ingat ka sa mga bago mong kaibigan. Maaari kang masangkot sa gulo nang dahil sa kanila. Iwasan mong bumarkada dahil magdudulot lamang sila sa isip mo ng labis na pag-aalala at maaari ka pang makaranas ng stress.
Ang ₱10k naman na napanalunan mo ay senyales na one day millionaire ka. Panay ang gasta mo tuwing may pera ka, ito rin ay nagpapahiwatig na matulungin ka sa mga taong humihingi ng tulong pero kapag ikaw naman ang nangangailangan, wala silang pakialam sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments