top of page
Gary V. - IG.jpg

Kahulugan ng sumakit ang mata at nabulag

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 3, 2023


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na pumunta ‘ko sa school ng deaf and blind para dalawin ‘yung kaibigan ko. Nagkukuwentuhan kami, nang biglang sumakit ang mata ko. Ang hapdi at ‘di na ako makakita hanggang sa tuluyan na umano akong nabulag.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay, Norma

Sa iyo, Norma,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa school ng deaf and blind para dalawin ‘yung kaibigan mo, ay may lalapit sa iyong kaibigan at kinakailangan niya ang iyong tulong, ikaw lang ang maaaring tumulong sa kanya, kaya hindi mo siya dapat pagdamutan. Tulungan mo siya sa abot ng iyong makakaya.

Samantala, ang nagkuwentuhan kayo, nang biglang sumakit at humapdi ang iyong mga mata hanggang sa nabulag ka, ito ay nagpapahiwatig na kakailanganin mo rin ng tulong. May darating sa iyong problema sa susunod na mga araw, at hindi mo ito masosolusyunan mag-isa.

Humingi ka ng tulong sa pinakamalapit mong kaibigan na alam mong handa kang tulungan sa lahat ng uri ng kagipitan, at tiyak na hindi ka niya bibiguin.

Matapat na sumasaiyo, Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page