Kahulugan ng softdrinks
- BULGAR
- Nov 20, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 20, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ramon ng Roxas City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na kumain ako ng tinapay nang may nakita akong isang bote ng soft drink sa mesa. May bawas na ito pero ininom ko pa rin. Hindi ako nasiyahan dahil kaunti lang aking nainom. Binuksan ko ang refrigerator, at mabuti na lang ay meron pa ru’ng hindi pa nababawasan.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ramon
Sa iyo, Ramon,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kumakain ka ng tinapay ay malalampasan mo ang matinding suliraning dinaranas mo sa ngayon na kung saan pati pamilya mo ay nadadamay na.
Ang may nakita kang soft drink sa mesa pero bawas na, ito ay paalala na mag-ingat ka sa iyong mga kilos at pananalita. May babala na masasangkot ka sa gulo na maghahatid sa iyo upang makagawa ka ng karahasan sa iyong kapwa.
Samantala, ang hindi ka nasiyahan dahil kaunti lang ang soft drink na ininom mo, binuksan mo ang refrigerator at nakakita ka ng wala pang bawas ay nangangahulugan na may nakalaan sa iyong kaligayahan at pagpapala kung patuloy kang magiging matiyaga.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments