top of page

Kahulugan ng sobrang payat at feeling pangit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 20, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Malabon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumayat ako nang napakapayat, tapos iyak ako nang iyak dahil ang pangit kong tingnan. Para akong maysakit, pero wala naman.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rose


Sa iyo, Rose,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na ikaw ay pumayat nang pumayat na para bang maysakit ka, pero wala naman. Ito ay nangangahulugang papalarin ka sa iyong pinagkakaabalahan. Makakamit mo ang katuparan ng iyong mga pangarap.


Samantala, ang iyak ka nang iyak dahil ang pangit mong tingnan ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig, ito ay nangangahulugan na hindi magtatagal ay magiging masaya ka na.


May darating na malaking suwerte at pagpapala sa buhay mo at matatapos na ang mga problema mo sa pananalapi. Gayundin, matutuwa ang mga kaibigan mo at magkakaroon kayo ng selebrasyon dahil sa magandang kapalarang nakamit mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page