Kahulugan ng seaman at mapayapang paglalakbay sa dagat
- BULGAR
- Dec 20, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 20, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norberto ng Albay.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na seaman ako, tapos naglakbay ang barkong sinasakyan namin sa ibayong-dagat. Ang ganda ng tubig dagat at kaaya-aya ang paligid. Naging mapayapa ang paglalakbay namin hanggang makarating kami sa aming destinasyon.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norberto
Sa iyo, Norberto,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na isa kang seaman ay paglalakbay sa abroad o ibayong-dagat. Ang tubig na malinaw at kaaya-ayang paligid ay nangangahulugan ng kasaganaan sa buhay, kung saan may posibilidad na yumaman ka at makakaahon ka sa kahirapang dinanas mo noong panahon ng pandemya.
Samantala, ang ibig ipahiwatig ng naging mapayapa ang paglalakbay n’yo hanggang makarating kayo sa inyong destinasyon ay magiging masagana, masaya at mapayapa ang iyong buhay sa darating na mga araw. Unti-unti mo nang matutupad ang mga pangarap mo sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments