top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng salamin at magulo ang buhok

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 03, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cora ng Pampanga.


Dear Maestra,


Tagasubaybay ako ng column mo tungkol sa panaginip. Natutuwa ako dahil mayroon na akong mapagtatanungan kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na magulo ang buhok ko, tapos pumunta ako sa salamin upang suklayin ang aking buhok. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Cora


Sa iyo, Cora,


Ang ibig sabihin ng salamin sa panaginip mo ay pagkalugi sa negosyo kung hindi mo maaagapan ang problemang kaakibat nito.


Ang sinuklay mo ang iyong buhok sa harap ng salamin ay nagpapahiwatig na ang karelasyon mo ay may ibang babaeng pinapantasya bukod sa iyo. Hindi palaging nakatuon sa iyo ang kanyang isip, kumbaga, may karibal ka.


Samantala, ang magulong buhok ay nagpapahiwatig na posibleng mapaaway ka dahil sa kadaldalan mo. Iwasan mo ang pagiging taklesa upang hindi ka mapaaway at hindi masangkot sa anumang gulo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page