Kahulugan ng sabay-sabay tumilaok ang mga manok
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 22, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jorge ng Pasig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na sabay-sabay tumilaok ang mga alaga kong manok at para bang may kinatatakutan, ‘yun pala ay may dumating na delivery man na mayroong dalang dalawang box.
Inabot niya ito sa akin at nang buksan ko ‘yung isang box, nagulat ako dahil wala itong laman, mabuti na lang ‘yung isa ay may lamang magagandang bagay na kapaki-pakinabang.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jorge
Sa iyo, Jorge,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sabay-sabay tumilaok ang mga alaga mong manok, ay mauudlot ang mga binabalak mong gawin sa susunod na mga araw. Hindi ito matutuloy kahit sabik na sabik ka pang umpisahan ito. Samantala, ang may dumating na delivery man, may inabot siyang dalawang box sa iyo, at nang buksan mo ‘yung isa ay walang laman, ito ay senyales ng kalungkutan at kabiguan. Mabuti na lang at may lamang kapaki-pakinabang na mga bagay ‘yung isang box, ito ay sign na may naghihintay sa iyong suwerte at mga pagpapala sa hinaharap. Tiyak na gaganda ang iyong future, at magtatagumpay ka sa mga binabalak mong gawin.
Ang bilang na dalawa ay nangangahulugang pabagu-bago ang iyong desisyon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments