Kahulugan ng pumunta sa banko para magsanla ng alahas
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 20, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenz ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pumunta ako sa banko, tapos sinubukan kong isanla ‘yung mga alahas ko. Tapos inausap ko ‘yung banker at tinanong kung puwede kong isanla sa kanila ang dala kong mga alahas.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lorenz
Sa iyo, Lorenz,
Ang panaginip mo na pumunta ka sa banko ay nagpapahiwatig na marami ka pang sasagupaing mga pagsubok sa buhay. Daranas ka ng mga hadlang sa mga binabalak mong gawin.
Gayunman, ang kinausap mo ‘yung banker ay nangangahulugan na dapat kang mag-ingat sa susunod na hakbang na iyong gagawin tungkol sa mga plano mo sa buhay, kumbaga, huwag kang padalos-dalos at mag-isip ka muna nang mabuti bago ka pumasok sa pakikipagtransaksyon.
Samantala, ang ibig sabihin ng gusto mong isanla ang mga alahas mo sa banko ay may pag-asang umunlad ang negosyo mo kung matututo kang mag-isip ng mga tamang pamamaraan para sa ikauunlad nito. Gamitin mo ang iyong sariling talino at huwag mong hayaan na diktahan ka ng ibang tao.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments