top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng pinitas ang lily at tumakbo dahil sa leon

BULGAR
Dec 28, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 28, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerwin ng Pateros.


Dear Maestra,


Balak kong magpakasal sa susunod na buwan. Sa palagay ko kasi ay natagpuan ko na ang pinapangarap kong mapangasawa.


Napanaginipan ko na nasa gubat ako at nakaagaw ng pansin ko ‘yung bulaklak ng lily dahil ang ganda-ganda nito, tapos pinitas ko ‘yung mga bulaklak at biglang may dumating na leon. Sa takot ko, tumakbo ako at buti na lang, hindi ako hinabol ng leon.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jerwin


Sa iyo, Jerwin,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng lily sa kagubatan at pinitas mo ang mga bulaklak nito dahil nagandahan ka ay magiging successful ang kasal mo, kung saan magiging maligaya kayo ng babaeng pakakasalan mo at pagpapalain ang pagsasama n’yo.


Samantala, ang ibig sabihin ng biglang may dumating na leon, natakot ka kaya tumakbo ka, pero hindi ka naman hinabol nito ay mapo-promote ka sa pinakamataas na posisyon sa pinapasukan mo. Rerespetuhin ka ng mga empleyado ru’n at bibigyan ka ng parangal ng may-ari ng kumpanya. Ito rin ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng matalino, madiskarte at mabuting may bahay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page