top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng pinilit maglakad kahit madilim ang daan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 1, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni George ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang lugar ako na napakadilim, tapos halos hindi ko na makita ang daraanan ko, pero pinilit ko pa ring maglakad. Buti na lang, unti-unti kong nabanaagan ang kislap ng liwanag sa dako pa roon.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

George


Sa iyo, George,


Ang panaginip mo na nasa isang lugar ka na napakadilim, halos hindi mo na makita ang daraanan mo ay nagpapahiwatig na kailangan mo nang hingin ang tulong ng mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan. Huwag kang mag-atubiling sabihin sa kanila ang pangangailangan mo at tiyak na tutulungan ka nila sa abot ng kanilang makakaya.


Samantala, ang nakatanaw ka ng kislap ng liwanag sa dako pa roon habang naglalakad ay nangangahulugan na may matatanggap kang magandang balita mula sa malayong lugar.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page