top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng pinatid ng bff kaya nagalit at biglang buhos ng ulan

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 20, 2021



Dear Maestro,


Bakit may mga taong sadyang walang suwerte sa pag-aasawa? Malungkot mang sabihin , pero isa ako sa kanila. Nagkaroon ako ng ka-pen pal na Amerikano, umuwi siya rito para pakasalan ako, pero hindi natuloy dahil sa isang hindi maiiwasang pangyayari, pero bago ‘yun, nabuntis niya na ako. Umuwi siya sa America habang buntis ako at ipinanganak ko ang aming baby nang wala siya rito. Noong una ay nagpapadala pa siya, pero dumalang nang dumalang hanggang sa nakalimutan niya na kami. Pagkatapos nu’n, muli akong na-in love at sa pagkakataong ito, pinakasalan ako, pero naghiwalay din kami nang mambabae siya, kaya naiwan sa akin ang anak naming babae.


Nang mga panahong ‘yun, ayaw ko nang umibig at mag-asawang muli. Sa halip, ang plano ko ay ibuhos ang aking sarili sa dalawa kong anak, pero dumating ang isa pang lalaki at nagsama kami, pero hindi rin nagtagal dahil bigla siyang nag-asawa at napangasawa niya ang kanyang boss at pagkatapos naming magkaanak ay iniwan din niya ako.


Nakakahiya man sabihin, tatlo ang anak ko sa iba’t ibang lalaki. Sa ngayon, gusto ko nang ituwid ang mga pagkakamali ko sa buhay, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. Ang hirap pala ng nag-iisa at parang gusto ko nang mag-asawa, ngunit ang problema ay natatakot akong muling iwanan ng lalaking mapapangasawa ko.


Maestro, kailangang-kailangan ko ang inyong tulong at gabay. Sana sa pamamagitan ng pag-aanalisa n’yo sa aking kapalaran ay matagpuan ko na ang matagal ko nang pangarap – isang simple kahit hindi masyadong mayaman, pero masaya at sama-samang pamilya. February 20, 1982 ang birthday ko.


Umaasa,

Isabel ng Tramo, Pasay City

Dear Isabel,

Mahihirapan ka talagang makatagpo ng masaya at simpleng pamilya, sapagkat ang birthday mong February 20 ay nasa pagitan ng dalawang hindi gaaanong magandang zodiac sign, sabihin na nating dalawang pangit na zodiac sign na Aquarius at Pisces.


Hindi kagandahan ang impluwensiya ng magulong planetang Uranus at Pluto sa buhay ng indibidwal na kaakibat ng zodiac sign na Aquarius-Pisces.


Ang dapat manaig ay ang impluwenisya ng birth date mong 20 na may ruling planet na Moon at ang impluwensiya ng isa pang planetang Pisces na Neptune upang magbago ang iyong kapalaran.


Ibig sabihin, ang planetang Moon at Neptune ay paglalakbay. Ito ang magiging susi upang mabalasa ang mga negatibong pangyayaring nagaganap sa iyong buhay.


Kailangang maglakbay ka, hindi gamit ang sasakyang panghimpapawid kundi gamit ang sasakyang pandagat. Sapagkat sa sandaling nakita ng unconscious mong pagkatao ang malawak at nakakahalinang katahimikan ng asul na karagatan na pinatingkad pa ang pagiging mahiwaga ng background nitong maputi-puti at mangasul-ngasul na ulap, biglang magbabago ang iyong awra, na siyang magbibigay ng bagong sigla at pag-asa upang makapagsimula ka ng mas matino na pamumuhay.


Subalit kung hindi ka aalis sa kasalukuyan mong sitwasyon para mamasyal o maglalakbay o sabihin na nating mag-abroad o pumunta sa ibang lugar, tulad ng nararanasan mo sa kasalukuyan, hindi magbabago ang iyong kapalaran.


‘Ika nga ng psychologist na si Carl Jung, hindi ang patutunguhan ang mahalaga, bagkus, ang higit na mahalaga ay ang paglalakbay na ginagawa. Ibig sabihin, habang naglalakbay ang isang indibidwal, mare-realize niya ang kanyang mga mali at pagkukulang.


Gayundin, magma-mature siya, tulad ng aktuwal na pangyayari sa bawat may buhay, hindi ang pagsilang at kamatayan ang binibilang, mas mahalaga ay kung paano niya isinabuhay ang kanyang karanasan. Sapagkat sa karanasang ito, magma-mature at ganap na matututo ang isang indibidwal upang siya ay maging maligya.


Kaya ganu’n ang gawin mo, Isabel, maglakbay ka at sa paglalakbay mong ito, makadarama ka ng paglaya, habang sa mga dadaanan mong karanasan, doon mo naman mapagtatanto kung sino ang tunay na ikaw. Sa sandaling nag-mature ka na o sabihin nating ganap nang nahinog ang iyong pagkatao, kusa mo nang matatagpuan ang maligayang pakikipagrelasyon.


Sinabi pa ng psychologist na si Carl Jung, “Nothing comes into a man’s life that is not a reflection of something within himself,” ibig sabihin, ang lahat ng kabiguang nangyayari sa iyo at nangyari, sapagkat ‘yan ang bagay sa iyo. Sa kabilang banda, lahat ng tagumpay at ligayang makakamit mo ay siya ring laan at bagay sa iyong pagkatao.


Kaya napakahalaga ng salitang “maturity”, sapagkat sa “mature na sarili”, kusang mahihinog ang bunga ng maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Tulad ng naipaliwanag, kung maglalakbay ka o pansamantalang lalayo sa kasalukuyan mong mundo upang hanapin ang mas malawak at makulay na daigdig, na walang iba kundi ang daigdig ng iyong sarili mga pagkakamali at pagkukulang ay magawa mong mag-soul searching sa tahimik at malayong lugar, masusumpungan mo na rin ang isang maligayang pakikipagrelasyon, na hatid ng lalaking may birth date na 25 sa zodiac sign na Cancer.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page