Kahulugan ng pinakain ang mga ibon na may magagandang pakpak
- BULGAR
- Jan 31, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 31, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na maraming ibon sa bubong ng bahay namin, tapos kumuha ako ng patuka at sinaboy sa harap ng bintana, at pinakain ko ang mga ibon. Ang gaganda ng pakpak ng mga ibon, iba’t ibang kulay at nagkikislapan ang mga ito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norma
Sa iyo, Norma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming ibon sa bubong ng bahay n’yo ay mababaligtad ang sitwasyon sa buhay mo. Kung nalulungkot ka ngayon, mapapalitan ito ng kaligayahan.
Samantala, ang pinakain mo ang mga ibon at ang ganda ng mga pakpak, gayundin, nagkikislapan ag mga ito ay nagpapahiwatig na pararangalan ka. Makakatanggap ka ng karangalan sa inyong lugar, kung saan hahangaan at rerespetuhin ka ng mga kabarangay mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments