top of page

Kahulugan ng pinabunot ang masakit ng ngipin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 22, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Batangas.


Dear Maestra,


Totoo ba ang kasabihang ‘pag sumakit ang ngipin at nabungi o nalagas ito, may mamamatay na mahal sa buhay?


Napanaginipan ko na sumakit ang ngipin ko, tapos pumunta ako sa dentista at pinabunot ko ito, pagkatapos ay umuwi na ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Thelma


Sa iyo, Thelma,


Hindi totoo ang kasabihang tinutukoy mo. Sa halip, kabaligtaran pa ang ibig sabihin nito.


Ang sumakit ang ngipin mo ay nangangahulugang magiging masaya ka sa susunod na mga araw dahil sa pagdating ng hindi inaasahang magandang kapalaran sa iyong pamilya. Ang pinabunot mo ito ay nagpapahiwatig na lilipat ka ng tirahan sa mas magandang lugar na payapa, panatag at maganda ang kapaligiran.


Samantala, ang pumunta ka sa dentista ay nangangahulugang makakaiwas ka sa isang gawaing masama ang kahihinatnan. Kapahamakan ang idudulot nito sa buhay mo kung maaakit kang gawin ito.


Ang umuwi ka matapos bunutan ng ngipin ay nagpapahiwatig na matatapos na ang mga paghihirap mo. Mapapalitan na ito ng kaginhawahan at mga pagpapala sa buhay. Susuwertehin ka na.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page