top of page

Kahulugan ng pera sa panaginip: pera at kayamanan

  • BULGAR
  • Jul 4, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 04, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flor ng Pampanga.


Dear Maestra,


Pangkaraniwan lang ang buhay namin at minsan ay kinakapos din. Kaya naman nangangarap ako na yumaman at maging punumpuno ng kasaganaan ang aming buhay, na lahat ng gustong bilhin ay kaya naming bilhin kahit mahal, na ang hapag kainan ay punumpuno ng masasarap na pagkain at mamahaling prutas.


Araw-araw akong bumibili ng BULGAR at tagahanga ako ng column n’yo tungkol sa kahulugan ng panaginip. Gusto kong malaman ang kahulugan ng aking panaginip tungkol sa tito ko. Matagal na siyang patay pero napanaginipan ko siya na pinagmultuhan ako. Inabutan niya ako ng pera at nang tingnan ko kung magkano ‘yung ibinigay niya sa akin, P100 ang halaga. Tapos napansin ko na may pasan siyang sako at sa tingin ko ay punumpuno ‘yun ng pera. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Flor



Sa iyo, Flor,


Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng pera sa panaginip ay kasaganaan at kayamanan. Yayaman ka na at sasagana ang pamumuhay, gayundin, mahahango ka na sa kasalukuyan mong kalagayan at aangat na ang iyong pamumuhay at sa wakas, matutupad na ang pangarap mong yumaman.


Gayunman, dahil ang tiyuhin mo ay patay na at ayon sa panaginip mo ay pinagmultuhan ka, ang ibig sabihin nito ay ingatan mo ang relasyon mo sa iyong mga mahal sa buhay tulad ng pamilya at mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan. Nagbababala ito na may alitan o hindi pagkakasundo na maaaring maganap sa pagitan n’yo ng naturang mga tao.


Hindi mo nabanggit kung kinausap ka ng tito mo sa iyong panaginip. Ngunit kung nagsalita siya sa iyo, ang ibig sabihin nito ay dapat mong sundin at ipatupad ang anumang ibinilin o sinabi niya sa iyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


1 comentário


Mitzi Cruz
Mitzi Cruz
24 de set. de 2024

Dear Maestra,


Itago niyo nalang po ako sa pangalang, Amelia. Sana po ay mapansin niyo ang aking sulat. At sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ang sulat kong ito. Nais ko lang po sanang malaman ang ibig sabihin ng aking panaginip. Nanaginip po ako na bumalik raw kami sa nakaraang buhay ng aking asawa. Umuulan din nung nagkatagpo kami sa panahong iyon. Ang asawa ko po ay binalikan niya raw ex niya tapos ako ay naging estudyante ulit. Umiiyak daw po ako habang umaalis at sinusundan pa rin daw ako ng asawa ko pero pag lumilingon ako nagtatago siya. Hanggang sa nakarating daw ako sa amin. May ipina-abot na pera ang mama ko sa akin, di ako…


Curtir

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page