top of page

Kahulugan ng niloko ng bff at may ibang karelasyon bukod sa bf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 22, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Mindoro.


Dear Maestra,


Isa ako sa mga tagasubaybay ng inyong kolum. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na hindi pala mapagkakatiwalaan ang best friend ko dahil niloko niya ako.


Napanaginipan ko rin na niloko ko ang aking dyowa, tapos hindi ko ipinagtapat na may iba pa akong karelasyon bukod sa kanya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gloria


Sa iyo, Gloria,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nikoko ka ng kaibigan mo dahil ito ay nangangahulugan na mapagkakatiwalaan siya at maaasahan sa sandali ng iyong kagipitan.


Gayundin, handa siyang tulungan ka anumang oras na kailanganin mo ang tulong niya.


Samantala, ang ibig sabihin ng niloko mo iyong dyowa at hindi mo sinabi sa kanya na may iba ka pang karelasyon ay makakatanggap ka ng parangal dahil sa iyong pagiging tapat sa katungkulan at mahusay na pakikitungo sa iyong mga kaibigan at kasamahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page