Kahulugan ng nilabhan ang damit pagkatapos maligo
- BULGAR
- Dec 19, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 19, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dionisia ng Bataan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naliligo ako at pagkatapos kong maligo, nilabhan ko agad ang mga damit ko, gayundin ang mga maruming damit ng asawa ko. Sinampay ko rin agad ang mga ito para matuyo. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Dionisia
Sa iyo, Dionisia,
Ang ibig sabihin ng naliligo ka sa panaginip mo ay nag-aalala ka sa mga bagay na hindi pa naman dumarating, pero iniisip mo na agad ang kahihinatnan.
Hindi ka dapat mag-alala dahil ang panaginip mo ay nangangahulugan din na malapit nang malutas ang mga problema mo sa buhay.
‘Yun namang nilabhan mo agad ang iyong mga damit kasama ang damit ng asawa mo ay nagpapahiwatig na ang buhay mo ay mananatiling nagpapakasakit sa buhay ninyong mag-asawa. Patuloy mong paglilingkuran ang asawa mo hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments